Breaking News
     |  | 

    Metro Baguio

    Uniwide nais ituloy ang kontrata sa palengke

    Ang management ng Uniwide Sales Realty and Resources Corporation ay inulit ang seryosong intensiyon at pagnanais na ituloy ang multi-billion Baguio market development project na ayon sa mga tuntunin at kondisyon ng 22-taong contract sa lokal na pamahalaan.

    Sa sulat kay Mayor Mauricio G. Domogan, ipinahayag ni Uniwide president Jesus L. Arranza na sa kasalukuyan, tinatapos pa ng kompanya ang pulong sa local geodetic at surveying firm na siyang magbabalangkas ng bagong topography map gayundin ang soil testing sa proyekto para sa paghahanda sa realisasyon ng matagal nang naantalang market development project.

    Ipinaliwanag niya na ang mga resulta ng paghahanda ng topography map ay magpapahintulot sa kompanya na makatapos ng isang binagong plano para sa proyektong natigil nang mahigit dalawang dekada dahil sa kaso na isinampa ng mga apektadong vendor na nakarating sa Supreme Court (SC).

    Nauna rito, sumulat si Domogan sa Uniwide kung itutuloy o hindi ang pakikipagnegosyo nito sa lokal na pamahalaan sa kabila ng nakabinbing issue sa insolvency at liquidation kung saan umapela ang kompanya sa Court of Appeals (CA).

    Ani Domogan, anuman ang isasagot ng kompanya ay magiging basehan ng lokal na pamahalaan upang magsagawa ng kinakailangang hakbang upang maipatupad ang market development project na nadiskaril dahil sa nakabinbing kasong ipinila ng mga apektadong vendor na kumukuwestiyon sa constitutionality ng ordinansa na nagsaad ng rules and regulations para sa pagdebelop at ang validity ng kasunod na kontrata bilang sangay ng nasabing local legislative measure.

    Matatandaan na noong 1995, binalak ang pagdebelop ng Baguio public market sa pamamagitan ng ordinansa na iniatas ng guidelines at rules and regulation para sa implementasyon ng nasabing proyekto. Noong 1996, ang lokal na pamahalaan ay nag-bid out sa proyekto at kalauna’y ang parehong proyekto ay ini-award sa Uniwide, na siyang nag-iisang bidder na nakadeklara na sumusunod at tumutugon na bidder.

    Subalit, maraming vendor ang kumukwestiyon sa constitutionality ng ordinansa dahil sa diumano’y irregularities sa pagsasagawa ng bidding process.

    Gayunpaman, ang lokal na korte ang nagdeklara ng constitutionality ng ordinansa at validity ng kontrata matapos magsagawa ng maraming pagdinig. Ang desisyon ng korte ang kalauna’y dininig ng CA at SC na siyang naging daan ng lokal na pamahalaan na hingin ang opinyon ng nanalong developer matapos ang utos ng korte ng Paranaque na sumailalim sa liquidation na siya ring umapela sa CA.

    Hiniling din sa Uniwide na magsumite ng updated plans at specifications para sa proyekto upang matiyak ang actual cost ng development dahil ang naunang P1.7 billion na estimate na naisagawa halos dalawang dekada na ang nakalipas at ang presyo ng construction materials ay tumaas na. BAGUIO PIO / ABN

    ABOUT THE AUTHOR