|  | 

Headlines

Trabahador ng city hall, huli sa pagbenta ng shabu

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang empleyado ng Baguio City Hall ang nahuli noong Marso 6 sa pagbebenta ng shabu sa isang undercover agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Si Randolph Ryan Marrero Estigoy alias “Randy”, 39, ng Happy Glenn Loop, Salud Mitra ng nasabing lungsod, kasalukuyang empleyado bilang ticket checker ng Baguio City Treasury Office ay nahuli sa pagbebenta ng heat-sealed sachet na naglalaman ng P10,000 halaga ng shabu sa Upper General Luna, Laubach Road.

Nakuha rin sa suspek ang buy-bust money na ginamit sa naganap na drug transaction.

Ayon sa PDEA-Cordillera, nahaharap si Estigoy sa pagbalag ng section 5 (Sale of Dangerous Drugs) of Republic Act Number 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon pa rin sa PDEA, ang pagkakahuli kay Estigoy ay nagsisilbing mahigpit na babala sa mga public officials at employees upang tumalikod sa mga illegal drug activities. “There will be no letup in cleansing the government of drug personalities,” ani PDEA-Cordillera spokesman Atty. Jose Pepe Calulut. AALEGRE / ABN

ABOUT THE AUTHOR