Breaking News
     |  | 

    Editor's Spillbox

    PWD nahagip ng sasakyan habang tumatawid sa pedestrian lane

    LUNGSOD NG BAGUIO – Isang lalaking may kapansanan ang nasagasaan habang tumatawid sa pedestrian lane sa Lower Session Road, dakong 6:20 pm ng Pebrero 20, 2018.

    Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Joseph Dulan Chongaren, 50 anyos, isang massage therapist at nakatira sa Outlook Drive, Baguio City. Ang biktima ay nagtamo ng pinsala sa kanyang kaliwang paa at kaliwang bisig.

    Sa imbestigasyon ng mga pulis ay tumatawid si Chongaren sa pedestrian lane nang biglang mahagip ito ng isang Toyota Vios Sedan, na may plakang WA7139, na nagmula sa direksyon ng Upper Session Road patungo sa Lower Session Road at minamaneho ni Romnnick Laveninto Ramos, 28 anyos at residente ng Magsaysay Loakan Apugan, Baguio City.

    Dinala ng drayber at isang nagmagandang loob na kinilalang si Willie Guanzon Trajano ang biktima sa Baguio General Hospital upang malapatan ng kaukulang medikal na atensyon. Agad ding nakalabas sa ospital ang biktima matapos bigyan ng clearance ng doktor. MA. KRYSTAL I. DIOQUINO, UB Intern

    ABOUT THE AUTHOR