Breaking News
     |  | 

    Metro Baguio

    PUV operators, umangal sa bagong policy ng BIR-Baguio

    Dumulog sa Sangguniang Panlungsod ang ilang operators ng public utility vehicles (PUVs) upang humingi ng tulong sa diumano ay hindi makatwirang pagpapataw ng multa ng Bureau of Internal Revenue-Baguio sa kanila.

    Sa kanilang pagharap sa Citizen’s Forum sa session ng SP noong Hulyo 2, inihayag ng mga operator ang kanilang hinaing sa biglaang pagbabago ng policy ng BIR-Baguio.

    Ayon kay Reynaldo Bacoco, kinatawan ng United Metro Baguio Benguet Jeepney Federation at tumayong tagapagsalita ng mga nagreklamong operator ng jeep, school service at taxi, sinisingil sila ng BIR-Baguio ng penalty dahil sa hindi paghahain ng quarterly na income tax return (ITR) noong 2016 at 2017.

    Ngunit ayon sa mga operator, ngayong 2018 lamang sila sinabihan na maghain ng quarterly ITR.

    “We are wondering why they [BIR] are penalizing us for year 2016 and 2017 for not paying or filing our ITR for quarterly basis in the amount of P500 per quarter, which is P3,000 for two years,” ani Bacoco.

    Inihayag nito ang pagkabahala na kung sakaling bayaran nga nila ang penalty, “ano pa pong gagawin namin pag sabihin pang not only 2016-2017, but you will also pay starting 2010 to 2015?”

    “What we want to say here is that it is not the fault of the operator who did not file for the quarterly ITR for the year 2016-2017, it is the fault of the BIR office,” giit ni Bacoco.

    Idinagdag pa ni Bacoco na sa ibang tanggapan ng BIR sa La Trinidad at maging sa Rehiyon I ay hindi naman ganito ang sitwasyon ng mga operator ng PUVs.

    “In the previous years, as we are operators of PUV for a long time, (the payment of tax) is only annually,” aniya.

    “All of us operators, before we could register our units, public utility vehicle, we have a percentage tax fully paid, the ITR which is annually, the blue book and at the same time the renewal fee,” paliwanag ni Bacoco.

    “The proof that we comply with the requirements is the [BIR] giving us the clearance, per year clearance. That’s why for the year that they are mentioning, 2016 and 2017, actually all operators have already their tax clearance for those years.”

    Sinabi ni Bacoco na noong Hunyo ay “inipit” ng BIR ang tax clearance nilang operators hanggang hindi nila nababayaran ang multa para sa 2016 at 2017. “Hindi ka bibigyan ng clearance kahit mayroon kang ITR na annually for 2017.” Ang tax clearance ay kailangan upang makapag-renew ang mga operator ng kanilang registration sa Land Transportation Office.

    Napagkasunduan ng SP na upang mabigyan ng linaw ang isyu at magkaroon ng pagkakataon na ipahayag ang kanilang panig ay iimbitahan ang assistant revenue district officer ng BIR-Baguio at mga kinatawan at miyembro ng iba’t ibang transport groups sa lungsod sa regular session ng konseho sa Hulyo 9, 2018. ABN

    ABOUT THE AUTHOR