Para sa kaalaman ng publiko

Metro BLISTT

Tahasang binabaklas na ang mga plaka ng mga sasakyan na nakaparada sa harap ng McDonald’s fast food chain sa may kahabaan ng Legarda Road. Subalit naobserbahan ng ilang customer ng fast food na hindi “consistent” ang pagbabaklas ng plaka ng mga pulis at tila kung trip lang nilang magbaklas dun lang nila gagawin. Ganoon na ba ang ginagawa ng mga miyembro ng Baguio City Police Traffic Section? Nararapat lang na malaman ng publiko kung pwede o hindi ang magparada sa nasabing lugar dahil ayon sa mga customer ng fast food na wala naman umanong traffic sign na “No Parking” sa nasabing lugar.