Pag-ibig sa lahat ng araw at panahon ang diwa ng Pasko

Editorial

Alam niyo siguro na ang Pasko ay ipinagdiriwang sa Disyembre 25 at ang bawat pamilya ay nagbibigay ng mga regalong iniiwan ni Santa Klaus sa ilalim ng Christmas Tree kinaumagahan ng kapaskuhan. Marami ang nagsisimba sa bisperas ng Pasko at sa Pilipinas ay inumpisahan ang simbang gabi at pagkatapos nito ay magkakasamang pagsasaluhan ang “Noche Buena”.

Ang Pasko ay ang pag-alala sa mapagpakumbabang kapanganakan ni Hesus sa isang birhen sa sabsaban sa Bethlehem. Sa panahong ito ay ipinagdiriwang din ang mga aktibidad na nakapalibot sa kaniyang kapanganakan gaya ng pagpapakita ng isang anghel sa isang pastol na nagbibiling bisitahin nila ang bagong silang na Hari.

Bagama’t hindi ikinokonsiderang pinakaimportanteng pang-Kristiyanong aktibidad ito, ang Pasko ay tiyak na pinakapopular kahit sa kultura at panlipunang kahalagahan. Ang unang simbahan ay naniniwalang ang mga panahon sa huling bahagi ng buhay ni Hesus ay siyang dapat na sentro at hindi man lang ikinonsidera itong mahalaga. Nang unang pag-usapan ng mga lider ng Simbahan ang pag-alala sa kapanganakan ni Hesus ay may ilan ang hindi sumang-ayon subalit may sapat na mga naunang suporta sa pag-alala upang markahan ang kalendaryo.

Maging ang Bagong Testamento o kahit anong talaan sa kasaysayan ang magmamarka sa eksaktong petsa ng kapanganakan ni Hesus. Bilang resulta ay unang pinagpilian ng Simbahan ang iba’t ibang petsa kabilang ang Enero2, Marso 21, Marso 25, Abril 18, Abril 19, Mayo 28, Nobyembre 17, at Nobyembre 20. Sa Kanlurang Simbahan ay una nilang ipinagdiwang ang pasko sa Disyembre 25 sa ikaapat na siglo at sinundan na ito ng Silangang mga Simbahan. May pinagmulan ang pasko bilang isang paganong pagdiriwang at napili ang Disyembre 25 na ihelera sa mga Romano paganong panahon na ipinagdiriwang sa winter solstice at pagsamba sa araw. Karamihan sa tradisyunal na kaugalian sa pasko ay ang pagbibigay ng regalo, pagdedekorasyon ng puno, pagbibitin ng mga ilaw, at kainan ay nagmula sa pinanggalingan kaysa Simbahan.

Ang ugat ng kasaysayan ng Santa Klaus ay maiming pinagmulan. Ang kauna-unahang kilalang inspirasyon sa alamat ay mula sa ikaapat na siglo sa anyo ni Saint Nicholas ng Myra, isang Griyegong Kristiyano na kilalang mapagbigay sa mga mahihirap.

Ang mga banggit kay Santa Klaus ay nakikita sa pagtuturong Germanic at ilang relihiyong Europea sa hilaga na lumaganap bago ang kristiyanismo. Ang bersiyon ng Amerikano ng Santa Klaus ay tila nagmula sa alamat ng Dutch kay Sinter Klaas kung saan kung dinala sa Amerika noong ikalabingpitong siglo at niyakap ng mga Amerikano ang ideya ng Santa Klaus na sinasabing nagdadala ng mga regalo sa mabubuting bata sa bisperas ng Pasko.

Sa maraming tao ay nabubuhay kay Santa Klaus ang espiritu ng pagbibigay at upang ipagdiwang ang anyo ni Santa Klaus sa panahon ng Kapaskuhan ay maraming tao ang hindi lamang nagbibigay ng mga regalo sa kanilang mahal sa buhay kundi naglalaan din ng oras at pera sa mga charities. At ang malinaw na nag-uudyok dito ay ang pag-ibig na siyang pinakamahalaga hindi lang sa araw ng Pasko kundi sa lahat ng araw ng bawat taon na walang sinisino. Pmcjr.