P3.3-M marijuana, natagpuang abandonado sa Benguet

Headlines

LA TRINIDAD, BENGUET – Natagpuan ng mga otoridad ang halos P3,321,500 halaga ng marijuana tube at brick na inabandona sa kahabaan ng provincial road sa Kapangan, Benguet noong Oktubre 29, 2018.

Halos 39 na tubular form at 30 marijuana bricks ang natagpuan ng isang lalaking nagbigay ng tip sa mga pulis sa kontrabandong iniwan ng hindi pa nakikilalang marijuana traders sa kahabaan ng Paykek-Sagubo Provincial Road sa Lomon, Paykek, Kapangan, Benguet.

Unang nasamsam ng mga otoridad ang 26 marijuana leaves na nakapormang tubo at nagkakahalaga ng P2,850,000 na nakalagay sa dalawang travelling bag at isang chute sack na nakatago ng halos apat na metro sa bangin na nasa ibaba ng kalsada, at apat na tubular marijuana na nagkakahalaga ng P444,000 sa kahabaan naman ng Gov. Bado Dangwa Road, Sitio Longon, Beling-elis, Kapangan, Benguet.

Ang nasabing marijuana ay nakalagay sa pulang bag na nakabalot ng yellow plastic at naka-tape ng brown packaging tape.

Halos 30 marijuana bricks at siyam a marijuana tubular form na may kabuuang dangerous drug board value na P927,500 ang nakita sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Beleng-Belis, Kapangan, Benguet hapon ng Oktubre 27 na nakalagay sa loob ng dalawang sako ng bigas katabi ng water drainage.

Ayon sa Benguet police, nasamsam nila ang mga kontrabando matapos silang bigyan ng tip na may tatlong sasakyan ng dayo, ang nakitang nakaparada nang matagal sa paligid ng Concrete Boundary Arc ng Kibungan-Kapangan, sa kahabaan ng national road, kung kaya nagtungo ang mga otoridad mula Kapangan at Kibungan upang i-check ito. Wala namang kontrabando ang natagpuan sa nasabing nakaparadang sasakyan.

Nauna rito, gabi ng Oktubre 25, naaktuhan ang 36 anyos na si Philip Gonzaga Recile mula Diadi, Nueva Viscaya at nangungupahan sa Watanabe, Crystal Cave, Baguio City, na nagbebenta ng tatlong sachets ng shabu sa isang sting operation sa kahabaan ng Malaya Street sa Dominican-Mirador Barangay, Baguio City.

Noon ding Biyernes, nahuli ang 24 anyos na si April Romano, na nagtitinda ng tatlong heat sealed shabu sa kaniyang bahay sa Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Nang parehong araw, nakatakas sa pagkaka-aresto ang tatlong house owners sa Bacsil, Dangdangla, Bangued, Abra, matapos masamsam ng mga otoridad ang limang sachets ng shabu, assorted foils, at isang caliber .38 Jaguar revolver na may lamang 5 bala.

Gayunpaman, hindi pinangalanan ng mga otoridad ang may-ari ng mga bahay na hindi nahuli noong raid ng Biyernes sa Abra. A.ALEGRE / ABN