Krismas hugot

Opinion You and Me

Sa panahon ngayon ng modern technology ay madali mo nang maaaliw ang sarili mo kung ikaw ay nalulungkot ngayong Pasko lalo na kung wala kang karelasyon o kagagaling sa isang hindi naging magandang relasyon sa pamamagitan lang ng pagbabasa sa social media ng mga nakakatawa at nakakatuwang mga post ng mga netizen tulad ng mga jokes at nauuso ngayon na ‘hugot’. At dahil ngayon ay Pasko, marami tayong mababasa na mga Krismas hugot at jokes at narito ang ilan:
– Parol ka ba? Kasi all these years ikaw ang nakasabit sa puso ko..
– Sana gift ka na lang. Para lagi kang present ngayong Christmas.
– Sana may magregalo sa akin ng relo ngayong Pasko. Sira ang relo ko, kasi kapag nakikita ko siya tumitigil ang oras ko.
– “Patawad” ang laging naririnig ng mga batang nangangaroling kapag ayaw magbigay ng pera ang kinakantahan. Tulad ng paulit-ulit kong sinasabi sayo dahil nadala na ako sa panloloko mo.
– ‘Thank you, thank you, ang babarat ninyo’. Pakantang sagot ng mga bata sa nagsasabi ng patawad.. parang ikaw din, binarat ang pagmamahal na binigay sa akin.
– Ang Christmas Tree, kahit sa tabi mo ilagay o di bihisan ay center of attraction pa rin. Parang ikaw lang sa akin.
– Christmas na! Exchange gift tayo gusto mo? Akin ka tapos sayo ako.
– Parang caroling ang lovelife ko. Puro patawad, di pinakikinggan, laging pinagsasarhan.
– Sabi nila malamig daw ngayong Pasko pero hindi ko maramdaman. Siguro na-immune na akosa pagka-cold mo.
– Mangaroling ka sa bahay ng ex mo. Para pag sumigaw ng ‘patawad’, e di may instant closure na kayo.
– Buti pa ang Christmas tree at Christmas light may spark.
– Ang lamig ngayong Pasko ano? Kailangan ko ng kape. Yung matapang. Yung kaya akong ipaglaban.
– Christmas light ka ba? Kasi ang ganda-ganda mo pero ginagawa ka lang palamuti ng syota mo.
– Ang pag-ibig ay parang Kris Kringle. Wag kang mag-expect para hindi masakit.
– Christmas pagbati sa mga ex: Maligayang Past-ko!
– Ang lovelife ko ay parang Christmas lights. Patay-sindi.
– Para kang Christmas bonus..laging hinihintay.
– Ang bilis ng Christmas break! Parang paglimot mo lang sa akin.

Sana ay huwag nating kalimutan ang tunay na diwa ng Pasko at ipagbunyi ang pagdating ni Hesus sa mundo upang tayo ay iligtas sa pagkakasala. Gawin itong magandang pagkakataon upang magmahalan, humingi ng tawad at magpatawad.

Maligayang Pasko po sa lahat!