Breaking News
     |  | 

    Editor's Spillbox

    Dating kongresman ng La Union, 2 bodyguard patay sa pamamaril

    img-responsive

    AGOO, La Union – Pinagbabaril hanggang sa namatay ang dating 2nd District Rep. Eufranio “Franny” Eriguel habang dumadalo ito sa isang miting de avance para sa halalan ng barangay ay sangguniang kabataan dakong ika-7 ng gabi noong Mayo 12, 2018 sa Barangay Capas ng bayang ito.

    Dalawang bodyguards ni Eriguel na ipinansalag ang mga sarili upang protektahan ito ay namatay rin.

    Kinilala ni Chief Inspector Alfredo Padilla Jr., hepe ng Agoo, ang dalawang bodyguard na sina Mac “Bong” Tuvera, residente ng San Marcos, at Bobby Ordinario, residente ng Macalva, na parehong idineklarang dead on arrival sa La Union Medical Center.

    Walo pang sibilyan ang sugatan at dinala sa ospital.

    Ayon kay Padilla, habang nasa caucus ang dating kongresista ay isang puting Toyota Innova at isang itim na Montero Mitsubishi (NDK 462) ang huminto sa harap ng barangay plaza kung saan nagaganap ang pagpupulong at nagpaputok ang mga suspek na nakasuot ng mga bonnet.

    Sa imbestigasyon ng pulis ay nakita ang mga empty shell ng M-16 Armalite rifle sa crime scene.

    Kasalukuyan namang ipinapatupad ang isang manhunt operation para madakip ang mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

    Ang asawa ng biktima at kasalukuyang 2nd district representative ng La Union Sandra Eriguel ay nakaligtas dahil nanatili ito sa loob ng service vehicle nang naganap ang pamamaril.

    Ayon sa Facebook post ng anak nitong si John, walong bala ang tumama sa katawan ni Eriguel.

    “Now more than ever, we need everybody to be strong. We need everybody to be brave. Second District, we lost our protector, our advocate. But we cannot waste his life by letting fear and violence rule us. My dad fought for you. He believed that we’re people capable of so much goodness and growth…. It’s up to the people to continue what he started. Please remember him and the dreams he lived and died for,” ani John.

    “I know I speak for everyone in La Union when I say that my dad truly was a generous, compassionate, and wise leader. He loved being with his people, talking til the late hours with his tsinelas and hat. He was such a simple man and lived so humbly. Even to his very last breath, he was serving his people,” pahayag ni Jackie, anak ng dating kongresista, sa Facebook post nito noong Mayo 13.

    Noong Abril 2016, nakaligtas si Eriguel sa isang bomb attack ngunit ilang kasama sa convoy niya ay nasugatan. T.F.PICAÑA

     

    ABOUT THE AUTHOR