45 participants nagtapos sa security professional seminar

Metro BLISTT

Apatnapu’t limang kalahok, na kinabibilangan ng 33 sa kursong certified security professional at 12 para sa advanced security management course, ang nagtapos sa apat na araw na security professional seminar na taunang isinasagawa ng Philippine Society for Industrial Security International Inc. na ginanap kamakailan sa Crown Legacy Hotel.

Nabatid kay Casaldo Bacduyan, PSIS Cordillera chapter president, ang mga kalahok na pawang mga nasa security industry, mula sa government, private company, PNP at BJMP, sa iba’t ibang lugar ng North Luzon ay hangad na palawigin pa ang kanilang kaalaman sa security management na maibabahagi nila sa kani-kanilang tauhan.

“Mababa kasi ang tingin ng iba sa isang security guard, kaya may ganitong seminar ay para madagdagan ang kanilang kaalaman at maging professional sa kanilang propesyon,” pahayag ni Bacduyan.

Ang mga lecturer na pawang mga professional na opisyales ng PSISI ay mula sa kinatawan sa ibang bansa at Manila.

Sa 33 kalahok na nagtapos sa Certified Security Professionals Review Program Batch 451 at 12 kalahok sa 19th Advanced Security Management Course series ay isa ang awtomatikong naging miyembro ng PSIS International.

Sa mensahe ni Atty. Joseph Fredderick Calulut, regional information officer ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, bilang guest speaker sa seminar “alam naman natin na ang ating gobyerno ay mahigpit ang kampanya laban sa illegal drugs at sa mga nagsipagtapos sa semiar  na ito ay malaki ang maibabahagi para maging matagumpay ang laban sa droga. Nasa inyong kamay din para palawigin at maging isang propesyunal ang bawat security personnel na kaakibat ng law agencies para sa katahimikan ng ating bayan.” ZALDY COMANDA / ABN