Breaking News
     |  | 

    Headlines

    12 turista, nakaligtas sa tumaob na jeep sa Ifugao

    LUNGSOD NG BAGUIO – Nakaligtas ang 12 banyagang turista, isang tour guide at isang tour coordinator matapos mawalan ng preno at tumaob ang jeep na kanilang sinasakyan papunta sa kilalang Batad Rice Terraces sa Banaue, Ifugao bandang 9:45am ng Enero 4, 2018.

    Nawalan diumano ng kontrol sa manibela ng jeep na minamaneho ni Alberto Nagnot, 50, nang mapagtanto niyang nawalan ito ng preno sa pababang kalsada kung kaya’t bumaligtad ang sasakyan sa Batad Saddle, Banaue.

    Iniulat ng mga otoridad na walang nasugatan sa nangyaring insidente subalit nasira ang sasakyan.

    Ang mga banyagang turista, na ang mga pangalan ay wala pa sa mga otoridad, kasama ang kanilang tour guide at coordinator, ay nagpatuloy na pumunta sa rice terraces, na marahil ay pinakakilalang tourist destination ng Ifugao at kasama sa tala ng UNESCO na World Heritage Sites. ACE ALEGRE / ABN

    ABOUT THE AUTHOR