Breaking News
     |  | 

    Headlines

    PNP walang kinalaman sa STL operation sa Pangasinan

    LUNGSOD NG DAGUPAN – Pinabulaanan ng Pangasinan Police Provincial Office ang malisyosong ulat na pinapaikot ng di-kilalang mga tao na prinoprotektahan ng Philippine National Police (PNP) ang Speed Game Inc., isang bagong authorized agency corporation (AAC) na nag-ooperate sa small town lottery (STL) sa Pangasinan.

    Sa kaniyang pahayag sa isang radio network ay sinabi ni Pangasinan Police Provincial Director Ronald Lee na wala silang anumang koneksiyon sa Speed Game at sinabing ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) lamang ang may kontrata sa bagong AAC at tanging nag-iisyu ng awtoridad sa STL operations sa Pangasinan.

    Pinalitan ng Speed Game ang Golden Go Rapid Gaming Corporation (GGRGC) matapos bawiin ng PCSO ang authorization ng GGRGC dahil sa hindi pagbabayad ng presumptive monthly retail receipt (PMRR).

    Naging top bidder ang GGRGC sa STL franchise sa Pangasinan noong nakaraang taon at pumangalawa naman ang Speed Game.

    Nag-take-over lamang ang Speed Game bilang pangalawang highest bidder nang ma-disqualify ang GGRGC.

    Sinabi ni Lee na noong nag-umpisa ng operasyon ang Speed Game noong Enero 3 ngayong taon ay hindi nakatanggap ang PNP ng kopya ng resolusyon ng PCSO na nagsasabing ang Speed Game ang bagong AAC.

    Sinabi ni Pangasinan Mayors League President Silverio Alarcio Jr. ng bayan ng Laoac na kailangang kumuha ang Speed Game ng business permit sa lahat ng lugar na nag-ooperate sila.

    May ibang grupo na nagpupumilit mag-operate ng STL subalit pinatigil ng National Bureau of Investigation (NBI), ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng PNP.

    Ang mga illegal bookies ay tumigil nang makita nila ang patuloy na police operations laban sa illegal gambling.

    Ipinaliwanag ni Lee na nais lamang ng PNP na tigilan ang kalituhan at sinabing ang nangyari noong nakaraang taon na kung saan dalawang AACs ang lumitaw sa Pangasinan. A. PASION, PNA / ABN

    ABOUT THE AUTHOR

    <