|  | 

Metro Baguio

Para sa kapayapaan

img-responsive

Dumulog ang mga opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos sa tanggapan ni City Mayor Mauricio Domogan upang linawin ang isang report na may mga Madrasa o eskwelahan ng mga Muslim sa Baguio na diumano ay nangangalaga sa mga teroristang Muslim. Nilinaw ni Commissioner Tahir Lidasan na walang terorista sa Baguio o mga Muslim na naninirahan sa lungsod kundi pawang mga negosyante lamang at biktima ng giyera sa Mindanao na minabuting manirahan sa lungsod. Kasama rin si Sr.Supt. Ramir Saculles, hepe ng Baguio City Police Office, at ilan pang opisyal ng NCMF na sina Commissioner Paisalin Tago, Aisha Flores Malayang, Director Abdullah Macarimpas, at Alhaji Shammel Maba at iba pang miyembro ng mga Muslim na naninirahan sa lungsod. Sinabi naman ni Domogan na kailangang tignan ng mga opisyal ang mga kalagayan ng mga Muslim sa Baguio at kailangan na maging disiplinado at sumunod sa mga alituntunin ng lungsod ng Baguio.

ABOUT THE AUTHOR