|  | 

Headlines

Most wanted sa Pangasinan, huli sa Benguet

MALASIQUI, PANGASINAN – Arestado ang most wanted person ng bayang ito na nagtatago sa La Trinidad, Benguet noong Nobyembre 8.

Sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, ang suspek na si Rodel Soriano, 41, ng Nalsian Sur, Malasiqui, ay hinuli ng pinagsanib na pwersa ng Malasiqui Police at ng Regional Public Safety Battalion 1.

Naaresto ang suspek sa Km. 5, Pico, La Trinidad sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court Presiding Judge Emma Torio.

Si Soriano ay kakaharapin ang kasong murder na walang piyansang inirekomenda at isa pang kaso ng pagnanakaw na may P26,000 bail bond.

Ang suspek ay unang dinala sa korte na naglabas ng warrants of arrest bago ito isinailalim sa kustodiya ng Malasiqui police. PNA / ABN

ABOUT THE AUTHOR