Breaking News
     |  | 

    Headlines

    Konsehal sa Kalinga, tiklo sa drug buy-bust

    LUNGSOD NG TABUK, KALINGA – Nahaharap ang isang konsehal sa kasong drugs at illegal possession ng firearms at ammunition, matapos maaresto sa drug buy-bust operation na isinagawa laban sa kaniya noong Abril 8, 2018.

    Kinilala ni Chief Insp. Richard Gadingan, community relations chief at public information officer ng Kalinga Police Provincial Office, ang suspek na si Dexter Gayawet Batalao, 31, konsehal ng bayan ng Pasil, Kalinga.

    Ang suspek, ayon sa otoridad, ay pansamantalang nakatira sa Sitio Pantal Brookside, Bulanao ng Tabuk City.

    Ayon kay Gadingan, ang konsehal ay naaresto sa pinagsamang buy-bust operation na isinagawa ng Kalinga Drug Enforcement Unit, pamahalaan ng Tabuk City, ang Pasil police station, at ng regional intelligence unit habang naghihintay ang suspek sa van terminal ng Barangay Dagupan ng nasabing lungsod.

    Ayon pa sa otoridad, nagbenta ang konsehal ng isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu sa isang pulis na nagkunwaring buyer.

    “But when the suspect learned that he is transacting with law enforcers, he tried to evade using his car, a Mitsubishi Galant with plate number MMW 888, towards the direction of Barangay Bulanao. The operatives conducted a hot pursuit and coordinated with the Tabuk City Special Weapons and Tactics (SWAT) to intercept the suspect in Barangay Appas, Tabuk City,” ani Gadingan.

    Ang SWAT team na humarang sa suspek ay naghalughog kung kaya’t nakumpiska ang isang Ingram machine pistol na may magazine at silencer.

    Narecover ng mga operatiba ang anim na bala ng caliber .45, 44 na bala ng .9 mm, dalawang piraso ng lighter, at improvised tooter (na ginagamit sa paghithit ng usok na galing sa sinunog na shabu).

    Narecover din mula sa konsehal ang P1,000 na ginamit na buy-bust money.

    Dagdag ni Gadinan na ang Tabuk City police, na siyang nagsagawa ng follow-up operation ay nag-serve ng search warrant na inilabas ni Judge Victor Dalanao ng Municipal Circuit Trial Court Branch 2, nadiskubre din sa pansamantalang tirahan ng konsehal ang tatlong heat-sealed sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, gamit na foils, at ilang bala.

    “The suspect had been a subject of surveillance since he submitted himself under the Philippine National Police drug program, Oplan Tokhang,” aniya.

    Sinabi ni Gadingan na boluntaryong sumuko kamakailan si Batalao sa programa at nasa community drug rehabilitation program ng Kalinga province.

    Aniya, ang buy-bust operation laban sa konsehal ay ipinatupad matapos makatanggap ng ulat ang pulisya na hindi pa rin tinatapos ni Batalao ang kaniyang mga illegal na aktibidad kahit na nakalista na bilang Tokhang Program surrenderer. J. MAGUIYA, PNA / ABN

    ABOUT THE AUTHOR

    <