|  | 

Metro Baguio

Klase sa ibang paaralan, sinuspinde dahil sa 3.4 na lindol

Kinansela ang klase ng ibang paaralan sa Baguio City noong umaga ng Enero 5, 2018 nang yanigin ang lungsod ng may lakas na magnitude 3.4 na lindol.

Agad na naglabasan sa gusali ng paaralan ang mga estudyante ng Saint Louis University, isa sa mga nagkansela ng klase. Kabilang din sa nagkansela ang Pines City College, University of Cordillera at Baguio Achievers Academy.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o PHILVOCS, Tectonic o paggalaw ng lupa ang sanhi ng lindol. Nasa 7km timog-silangan ng Baguio City ang sentro ng nasabing lindol kung saan naramdaman ang intensity 4 na pagyanig sa lungsod. Naramdaman din ang pagyanig sa Pugo, La Union na may magnitude 3.8, Dagdag pa rito, wala namang pinsala o pagkasira sa mga ari-arian at wala ring kasunod na pagyanig o aftershock, ngunit inabisuhan pa rin ang publiko na mag-ingat.

Inihayag ni Local Disaster Risk Reduction and Management Officer 2 Julius Santos na mayroong magaganap na Nationwide Earth Quake Drill sa February 15 bandang 2pm. Layunin nitong paalalahanan ang publiko lalo na ang mga eskwelahan sa kolehiyo, sekondarya at elementarya upang maging alerto ang mga ito na kung saan ay hindi pa nila nararanasan ang malakas na lindol.

Sinabi pa ni Santos “di man natin masabi kung kailan magkakalindol, nakahanda naman ang ating lungsod, at sa katunayan pinapalakas pa lalo ang mga reponder na pwedeng tumulong at agarang rumesponde pagkatapos ng lindol, mayroon ding nabuong mga specialized respondent para sa particular na disaster, tulad ng Collapse Structure Search and Rescue team o CSSR”. Dagdag pa nito na isa sa mga problema noon ay ang hindi pagsunod sa tamang structure ng building o iyong tinatawag na building code at standards sa pagpapatayo ng gusali. Ma. Krystal I. Dioquino, UB INTERN / ABN

ABOUT THE AUTHOR

<