|  | 

Headlines

Kampo ng NPA sa Ifugao, sinalakay

LUNGSOD NG BAGUIO –  Nilusob ng hukbo ng  gobyerno sa ilalim ng 54th Infantry Battalion (54IB) ang isang kampo ng New Peoples Army (NPA) sa sitio Galindungan, Brgy. Dango, Tinoc, Ifugao.

Sa isang nahuling ulat ng militar, nakipagbakbakan ang mga sundalo sa mga rebelde nang 25 minuto at nadaig ang pwersa ng mga rebelde na tumakas mula sa kanilang kampo noong Hulyo 10 (Lunes).

Ang naturang kampo ng rebelde ay 500 metro kwadrado ang lawak na may 38 tents at apat na makeshift structures.

Naiwan din ng mga tumakas na rebelde ang dalawang M16 armalite rifles at isang M14 rifle, iba’t ibang gamit pandigma at pangmedikal, at mga personal na kagamitan.

Ayon kay Lt. Col. Nicolas Quemado, commander ng 54IB, walang nasaktan o nasugatan sa panig ng kanilang hukbo ngunit hindi nila masiguro kung ilan sa mga rebelde ang napatay o nasaktan sa naganap na maikling labanan.Ang naturang pag-atake ng 54IB ay upang mapigilan ang NPA na maghasik ng terorismo sa Ifugao.

“Based on the information from civilians in the area, this group of NPA are preparing to conduct another atrocity when they were encountered by our operating troops,” ani Quemado.

Sinabi ni Maj. Gen. Paul T. Atal, commanding general ng 5th Infantry Division (5ID), na sa pagsalakay ng hukbo ng gobyerno noong Lunes, “once again proved the soldiers’ superiority against the enemy.”

“While the NPA are intensifying their terroristic acts against the peace-loving people of Ifugao and the Cordillera, we will always be ready to protect the people against the NPA and we will not fail them,” dagdag niya.

Noong Pebrero, parehong mga sundalo ang sumugod naman sa isang kampo ng NPA sa barangay Namal, Asipulo, Ifugao at nasamsam ang ilang assault rifles. Dito ay isang doktor na nakabase sa Baguio City ang diumano ay nasugatan. Kinilala ito ng militar na si Ana Marie Leung base sa ATM at iba pang identification na narekober ng mga sundalo sa kampo.

Samantala, maliban sa pag-atake ng 54IB ay iniulat ng 5ID Public Affairs Office (DPAO) noong gabi ng Martes (Hulyo11) na nakumpiska rin ng 24IB ang isang armas na naiwan sa isang tahanan sa Sitio Labawan, Barangay Danac East, Boliney, Abra noong Hulyo 9.

Ayon kay Captain Jefferson Somera, 5ID DPAO chief, ang 54IB ay may operasyon sa Ifugao habang ang 24IB naman ay sa Abra.Narekober ng 24IB, sa pangunguna ng commander na si Lt. Col. Thomas Dominic Baluga, ang isang M16 rifle na naiwan sa naturang private residence sa Abra mula sa isang nakatakas na miyembro ng NPA.

Pinuri naman ni Major General Atal ang dalawang grupo ng sundalo sa kanilang pagsisikap na linisin ang Abra at Ifugao mula sa impluwensya ng communist terrorists.

“Don’t let your guards down because these NPAs we are confronting may conduct retaliatory atrocities any time. Let us protect our people and their properties against this group who are pretending to be pro-people,” aniya. May ulat sina ACE ALEGRE / LIZA T. AGOOT, PNA / ABN

ABOUT THE AUTHOR