Breaking News
     |  | 

    Headlines

    Isyu sa Burnham multi-level parking, hindi pa tapos – Avila

    LUNGSOD NG BAGUIO – Wala pang natatapos na kasunduan sa mga inilatag na mungkahing proyekto para sa pagtatayo ng multi-level parking sa Burnham Park na kinabibilangan ng pagtatayo ng mall sa dating lugar ng auditorium.

    Ito ang maigting na paglilinaw at sagot ni Konsehal Edgar Avila sa mga kumakalat na haka-hakang diumano ay tapos na ang usapan para sa pagtatayo ng mall sa pangunahing parke ng lungsod.

    Sa ikalawang pagsagawa ng public consultation tungkol sa mungkahing multi-level parking sa Burnham Park noong Abril 11, 2018 ay ipinaliwanag ni Avila na wala pang pinal na desisyon sa ipapatayong parking area sa Burnham Park.

    Ang naturang public consultation ay pinangunahan ng Sangguniang Panlungsod Committee on Urban Planning, Lands and Housing at Committee on Public Utilities, Traffic, and Transport Legislation na pinangungunahan ni Avila na isa rin sa mga nag-akda ng mungkahing panukala na nagpapahintulot sa pagpapatupad ng master development plan sa Burnham Park, partikular ang lugar na dating kinatatayuan ng city auditorium.

    Daing ni Architect Joseph Alabanza, head on land use ng Pine Cone Movement at isang environmental planner, na huwag na lamang galawin ang Burnham dahil dagdag problema lang ito sa siyudad.

    Ayon kay Joseph Claridades, ang nagbigay ng proposisyon para sa Baguio “smarter roads” upang maayos ang problema sa trapiko ng lungsod, ay magpatayo na lamang ng parking facility sa labas ng central business district (CBD).

    Ang naunang konsultasyon ay ipinatupad noong Marso.

    Isasagawa muli ang isa pang public consultation sa Mayo 22 bago tuluyang pagdesisyunan ng konseho ng lungsod ang nararapat na hakbang na naturang usapin.

    Samantala, nilinaw din ni Mayor Mauricio Domogan na ang pagsasaayos lamang sa lugar na kinalalagyan ng dating auditorium ang pinal na ipapatupad ngunit wala pang natatapos na kasunduan tungkol sa kung kaninong mungkahing proyekto ang isasagawa rito.

    “I was referring to the University of the Cordilleras proposed master development plan of Burnham Park as the one that is final as it needs to be developed as a multi-level parking area with a multipurpose floor for seminars and exhibits with a restaurant and souvenir shops,” paliwanag ng mayor.

    “Unsolicited proposals were received in the past and it includes a mall and hotel.  Those are just proposals and nothing is final,” aniya.

    Siniguro din ni Domogan na susundin ng pamahalaang lungsod ang tamang proseso sa pag-apruba ng partikular na plano na kinabibilangan ng malawakang konsultasyon sa publiko na gaya ng isinasagawa ng Sangguniang Panlungsod.

    “We agree that parking is the best development option in the area because it has been serving that purpose for years now and nobody has objected to the present set-up. Our intention is only to maximize its use as a parking facility by making it multi-level and accommodate more vehicles and being a prime lot, maximize it further by allowing other uses and it happened that a mall was one of the proposed uses presented in one of the unsolicited proposals,” giit ni Domogan. MICHAEL R. MARTINEZ, UB Intern/ may ulat mula sa BAGUIO PIO

    ABOUT THE AUTHOR

    <