Breaking News
     |  | 

    Metro Baguio

    Hindi sementeryo

    Nagtataka ang ibang tao, lalo na ang mga turista, sa tila “krus” na maliit na ito na waring sementeryo kung titignan sa malayo pero ito ay marka ng mga nagtitinda sa Harrison Road na tinawag na “night market”. Sa huling ulat ay may 800 na miyembro ang mga nagtitinda sa night market na nagbabayad ng P50 bawat gabi. Ito ay itinuring ng ilan na “tourist attraction” sa gabi dahil sa mga segunda manong mga damit, bag at mga sapatos. Ito ay mariin na tinututulan ng ilang motorista dahil ang Harrison Road ay national road na regular na daanan ng mga motorista, subalit ito ay pikit-matang tinanggap na ng lokal na gobyerno dahil sa income na hatid nito. ABN/THOM F. PICANA

    ABOUT THE AUTHOR

    <