|  | 

Headlines

Halos P1M, tinangay mula sa bangko sa Pangasinan

BUGALLON, PANGASINAN – Ninakawan ng halos P1 milyon cash at laptop ang isang rural bank sa kahabaan ng Romulo Highway sa Barangay Poblacion ng hindi pa nakikilalang mga suspek, madaling araw ng July 31, ayon sa Philippine National Police dito.

Ang mga suspek ay nakapasok sa Rural Bank of Anda sa pamamagitan ng pagsira sa concrete wall ng isang abandonadong bahay katabi ng bangko at nang nasa loob na ay tinanggal ang Circuit Camera Television (CCTV).

Pinasok nila ang vault room at tinangay ang P995,000 na cash at isang laptop. Tangay ang ninakaw, lumabas sila sa abandonadong bahay at nakatakas.

Ayon sa pulisya, ang abandonadong bahay ay pag-aari ni Ana Cabanilla, na iimbitahan din nila sa police station para tanungin kung sino ang mga taong posibleng tumira doon bago ang pagnanakaw.

Ang pagnanakaw ay natuklasan ni Noel de la Cruz, 54, security guard ng bangko bandang 8:05am ng parehong araw.

Nakita ng mga pulis na nag-imbestiga sa loob ng bangko ang dalawang hydraulic jacks, apat na face masks, tatlong piraso ng gloves at tatlong jogging pants, isang sando, isang iron hand saw, isang drill para sa concrete, apat na hand saw blades at iba pa na maaaring nabili mula sa mall sa Dagupan base sa isang resibo ng mga gamit na nakita ng mga pulis.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa rin ang insidente. Leonardo V. Micua/PNA / ABN

ABOUT THE AUTHOR