|  | 

Editor's Spillbox

Fish vendors, umalma sa tigil-kaliskis

img-responsive

Tutol ang ilan sa mga fish vendor ng Baguio Public Market sa ordinansang pagpapatigil sa paglilinis ng mga isda na magiging epektibo sa Marso 1. Pahayag ng isang tindera ng isda, hindi lang kaliskis ng isda ang nagpapabara ng kanal sa palengke at sa katunayan ay mula sa mga lamang loob ng mga karne, kabilang na rin ang mantika mula sa iba’t ibang kainan sa palengke ang pangunahing sanhi ng pagkabara ng mga kanal nang buksan nila ito. Ayon kay Rosit Domingo ng Fresh Sea World Association ng Baguio, maaari umanong magdulot ito ng mababang kita ng mga fish vendors dahil mas pipiliin na ng mga mamimili ang karne kumpara sa isda na mapapatrabaho pa sila. Aniya, ang kailangan ng mga fish vendors ay paglalagyan ng mga dumi at kaliskis ng isda para hindi ito mapunta sa kanal at magkaroon ng tamang sistema ng kalinisan sa palengke imbes na ipatigil ang naturang serbisyo na nakagawian ng mga mamimili. LALAINE T. PAYAY, UB Intern

ABOUT THE AUTHOR