|  |  | 

Opinion You and Me

Diet

Ang ‘diet’ o pagdyedyeta ay may kinalaman sa kalusugan at katawan ng isang tao. Ginagawa ito para maging mas maganda ang kalagayan ng kalusugan o para magbawas ng timbang. Sa pagdaan ng panahon ay napakarami nang lumabas at nauso na klase ng mga diet. Nariyan ang Military Diet, South Beach Diet, Frutarian Diet, Ketogenic Diet, Vegetarian o Ovo-vegetarian, Religious Diet, Mediterranean, Raw Diet, After 6, Intermittent Fasting at iba pa. Alamin natin ang ilan sa mga ito:

Ketogenic Diet – ito ay tinatawag ding low carb diet o low carb high fat diet. Sa pagkain ng ganito, ang katawan ay gumagawa ng ketones sa ating atay at ito ang nagsisilbing energy. At kapag kumain tayo ng maraming carbs ang katawan natin ay gumagawa ng glucose at insulin na kailangan ng katawan natin. Ilan sa mga grupo ng pagkain na kabilang sa Keto o Ketogenic Diet ay mantika o taba tulad ng coconut oil at olive oil, protina tulad ng mga organic na karne. Gulay, dairy, nuts at tubig o lemon juice.

Mediterranean Diet – o heart-healthy diet na ginagamitan ng mga lutong Mediterranean. Ang tradisyonal na Mediterranean Diet ay nakakapagpababa ng low-density lipoprotein (LDL) cholesterol o ang tinatawag na “bad cholesterol”. Mga pagkaing plant-based tulad ng prutas at mga gulay, whole grains, nuts at legumes. Olive oil o canola oil kapalit ng butter, isda at manok.

Military Diet  – ito  ay tatlong araw na pagdyedyeta na may istriktong meal plan na kailangan mong sundin. Ilan sa mga dapat mo lang kainin sa loob ng tatlong araw ay mga pagkain na mababa sa calorie katulad ng mansanas, saging, grapefruit, crackers, tuna sa lata, keso, itlog, karne, beans, brocolli, carrots, vanilla ice cream, peanut butter, kape.

Frutarian Diet – lahat ng klase ng prutas ay maaari mong kainin. Maari ding samahan ng nuts at mga seed.

South Beach Diet – ito ang klase ng diet na naging popular sa mga artista at kilala rin bilang weight-loss diet. Pinagsamang good carbs, lean protein at healthy fats ang kasama sa diet na ito.

Vegan (Total Vegetarian Diet) – ay ang pagkain ng mga plant-based na gulay at prutas, legumes, seeds at nuts.

Lacto Vegetarian – ang pagkain ng mga plat-based na gulay at prutas, mga dairy at keso.

Ovo-lacto Vegetarian – mga pagkaing plant-based, keso,dairy at itlog.

ABOUT THE AUTHOR

<