| Amianan Police Patrol | 

Baguio

  • Nagbebenta ng iligal na droga, huli

    Huli ang isang nagbebenta ng iligal na droga sa nangyaring sting operation sa Kayang-Hilltop Barangay, gabi ng November 14, 2017. Ang suspek na kinilalang si Darwin Turqueza Dariano, 43, ay nahuli sa pagbebenta ng isang heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu sa isang undercover PDEA operative.

    Read More
  • Magnanakaw, ibinalik ang cellphone sa may-ari

    Isang magnanakaw na diumano’y tumangay ng cellphone ng isang 21-anyos na guro mula sa kaniyang bulsa habang abalang inilalagay ang kaniyang payong sa backpack sa kahabaan ng Session Road, Baguio City, hapon ng November 14, ang nagbalik ng dinukot na item sa may-ari. Huminto diumano ang biktimang si Gabriel Rulloda de Guzman, guro sa isang…

    Read More
  • Wanted na drug pusher, timbog

    Matapos makatakas sa isang dragnet operation ang isang wanted na drug pusher noong nakaraang buwan, ngayo’y timbog na ng anti-narcotics agents at pulisya. Ang suspek na si Cliffort Lacambra Remolar, 48, widower, ay natimbog madaling araw ng November 14 sa San Luis Extension Barangay, Baguio City matapos ihain ng mga otoridad ang kaniyang warrant of…

    Read More
  • Dayuhang pusher ng party drugs, huli sa Baguio

    Isang babaeng drug pusher na dumayo pa sa lungsod para magbenta ng ecstasy capsule, ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera (PDEA-CAR) sa isinagawang buy-bust operation sa harap ng hotel sa Kisad Road, Baguio City. Ayon kay Joseph Frederick Calulut, PDEA regional information officer, ang suspek na itinago sa pangalang Cherry,…

    Read More
  • Ginang, nasagasahan ng taxi

    Nasagasahan ng isang taxi ang isang ginang bandang 7:55am ng November 9, 2017 sa kahabaan ng Otek Street, Baguio City. Kinilala ang biktimang si Estelita Barroga Ducay, 47, married, dentist, at residente ng 19-B, Sunflower Street, Lexber Subdivision, Balacbac, nasabing lungsod.

    Read More
  • Taxi driver at tatlo pa, huli sa droga

    Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang isang taxi driver at kasama nito matapos mahuling nagbebenta ng shabu, Martes ng gabi sa Barangay Campo Filipino, Baguio City. Nakorner ang isang 48-anyos na ginang at kaniyang kasamang driver na hayagang nagbebenta ng shabu. Ang suspek na si Leonardo Mayao, alias “Gringo”, 30 anyos, taxi driver,…

    Read More
  • Grade 6 student, na-hit and run

    Isang grade 6 student ang na-hit and run bandang 1:56pm ng November 1, 2017 sa tapat ng Pilando Building, Lower Magsaysay Avenue, Baguio City ng isang Toyota Vios sedan na may plakang ZMR-484 at kulay Azure Blue ng di pa nakikilalang driver kung saan nagmula sa direksiyon ng city proper patungo sa direksiyon ng Lower…

    Read More
  • Dalaga, ginulpi at ninakawan ng 4 na lalaki

    Inireklamo ng isang 23 anyos na babaeng estudyante ang pagnanakaw at pambubugbog ng apat na lalaki, dakong 2:20 ng madaling araw ng Oktubre 31, 2017, sa Lower Session Road, Baguio City. Kinilala ang apat na suspek na sina Joey Boy Taduan Quinto, 22, single, residente ng Upper Quezon Hill; Klivh Iram Dumangeng Abidal, 18, single,…

    Read More
  • Motorsiklo, binunggo ang nakaparadang van

    Nahagip ng isang motorsiklo ang nakaparadang van bandang 11:20pm ng October 30, 2017 sa kahabaan ng Legarda Road, Baguio City. Sa imbestigasyon, ang Honda motorcycle na may plakang 2543-XS na minamaneho ni Brigido Cayat Acop, 28, single, RNR Maintenance, at residente ng Badihoy Pinsao, Baguio City, ay nagmula sa MH Del Pilar, city proper papuntang…

    Read More
  • Dalawang ama, nagbigti

    CAMP DANGWA, BENGUET – Isang drayber at farmer ang parehong nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, sa magkahiwalay na lugar sa Baguio City at Kapangan, Benguet, ayon sa ulat ng Police Regional Office-Cordillera. Ayon kay Superintendent Carol Lacuata, regional information officer, ang walang-buhay na si Pedro Dulay Runas Jr., 51, jeepney driver, ay natagpuang…

    Read More

THIS WEEK’S FRONTPAGE

BENECO NOTICE OF POWER INTERRUPTION

NOVEMBER 20 TO 24, 2017

EDITOR’S SPILLBOX

ABN Online Advertising

Herbal Health City
CVQ Design Studio
Dad and I
Helles Solar Power Lamps
Alekin Beach Resort
Rose Bowl Restaurant
Sujiko Peptide
Microtel Te Quiero