|  | 

Headlines

Buhayin ang EO220, hiling ng CRSF kay Pres.Duterte

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang liham na humihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang Executive Order 220 na bumabalangkas sa kapangyarihan ng pagbuo sa Awtonomiya ng Cordillera upang maisailalim ang pagkakaroon ng Cordillera Regional Security Force (CRSF) na siyang tutulong sa pagpapanatili ng peace and order sa rehiyon kasabay sa programa ng Philippine National Police at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ang sulat ay ipinadala sa Malakanyang noong Disyembre 27, 2017 at hinihintay pa sa ngayon ang tugon ng Presidente.

Ayon kay Cordillera Regional Assembly (CRA) self-styled Titular Head Professor Bienvenido Balweg at adviser ng Cordillera Regional Security Force ang pagsumite ng liham na panukala kay Pangulong Rodrigo R. Duterte kaugnay sa layunin na mapasama ang Cordillera Regional Security force sa 3rd Draft Organic Act simula pa noong panahon ni namayapang Father Conrado M. Balweg ng makipagkasundo kay dating pangulo Corazon C. Aquino at ito ay mula sa bisa ng Executive Order no. 220, sapagkat ayon ito sa Section 1, Article X ng 1987 Constitution na paglikha ng awtonomiya o pagsasarili sa rehiyon ng Cordillera.

Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay Prof. Balweg, “ito ay ayon rin sa Section 6. Peace and Regional Security. Sa loob ng balangkas ng konstitusyon at naaangkop na mga batas, ang pagpapanumbalik at pagpapanatili ng kapayapaan sa loob ng rehiyon ay dapat na isang pangunahing pananagutan ng Cordillera.

“Ang pagtatanggol at seguridad ng rehiyon ay responsibilidad ng pambansang pamahalaan, kung kaya ito ang hiniling naming panukala sa Pangulo para magkaroon ng tamang pagsuporta at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan,” ani Balweg.

Idinagdag pa ni Balweg, “Umaasa kami na sa pamamagitan ng aming tunay na pagkakaisa ay makaabot sa Pangulo ang ating mithiin na magkaroon ng plebisito para sa pagpapairal ng awtonomiya bago pa man maisulong ang pederalismo sa Pilipinas, suportado kami kung sa awtonomiya man o pederalismo basta alam nating makakabuti at magpapaunlad sa ating mga kababayan sa Cordillera.”

Sa ilalim ng E.O.220 ay nakapaloob ang pagkakaroon ng interim body, ang Cordillera Regional Assembly, na siyang papanday sa mga batas at alituntunin ng Awtonomiya. Ang Cordillera Executive Board (CEB) naman ay kumakatawan sa pag-implementa o pagpapatupad sa mga batas at alituntunin na nilimbag ng CRA. Ang Cordillera Bodong Administration ay siyang kumakatawan sa administratibo sa buong rehiyon. At ang CRSF ay ang armed forces ng Awtonomiya bukod sa PNP at AFP.

Ang CRA, CEB at CBA ay siyang kinatawan na huhubog sa isang panukala o Organic Act upang maisagawa ang batas umano na aaksyunan naman ng Kongreso. Subalit sa kasamaang palad, dalawang beses nang nabigo na maisakatuparan ang Awtonomiya ng Cordillera dahil watak-watak ang kaisipan ng nakatira sa Cordillera.

Ang pinakalayunin ng CSRF, ayon sa E.O. no. 220, ay tutulong sa pag-deploy ng mga miyembro nito na makipag-ugnayan sa PNP at AFP at isagawa ang kanilang mga tungkulin bilang panrehiyong pagtatanggol at seguridad ng rehiyon; protektahan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Ang mga tungkulin at responsibilidad ng CRSF ay asistihan ang AFP at PNP sa mga aktibidad sa pagpapatupad ng batas at peacekeeping lalo na sa mga rural na lugar ngunit walang kataliwasan sa mga lungsod at upang matiyak na ang naaangkop na mga sistemang kaalaman at kaugalian ng mga katutubo sa mga grupong ethno linguistic ay sinusunod bilang pangunahing mga sukatan ng conflict management, upang magsilbi bilang isang channel grievances sa mga katutubong mamamayan lalo na sa paglabag sa kanilang mga karapatang katutubong mamamayan, upang tulungan ang mga nararapat na awtoridad at ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng kanilang mga function ng regulasyon upang mapalakas ang kooperasyon at maayos na kaugnayan sa mga katutubong komunidad at ang mga line agencies na ito ay Department of Environment and Natural Resources, Department of Social Welfare and Development, Department of Justice, Department of Agriculture, Department of Health, Department of Labor and Employment at Comelec.

Ang pagtulong rin sa Local Government Units sa pagpapabuti ng mga debate sa pamamahala at mga kahinaan sa institusyon na lumalaganap sa diskarte ng Indigenous Knowledge System and Practices sa pagpapalabas ng mga lokal na ordinansa, upang maglingkod bilang mapagbantay na puwersa sa pakikipagtulungan sa mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan upang protektahan ang posibleng sakuna ng mga extrajuducial executions sa Cordilleras kabilang ang mga posibleng pang-aabuso, panliligalig, pananakot at labis na pagpapahirap. ABN/MARIO D. OCLAMAN

ABOUT THE AUTHOR

<