|  | 

Metro Baguio

Baguio nagpaabot ng tulong para sa Marawi victims

Nagpunta ang mga opisyal ng Baguio sa Iligan City upang personal na magbigay ng tulong sa mga biktima ng karahasan sa Marawi.

Sinabi ni Mayor Mauricio Domogan na inatasan niya ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) chief at staff nito upang magdala ng food supplies para sa mga biktima ng karahasan sa Marawi na kasalukuyang nasa iba’t ibang evacuation sites sa Iligan at karatig-lugar nito.

“We have shown our sympathy by extending to them the help. If needed, we can again appropriate additional amount,” aniya.

Ang lungsod ay naglaan ng P300,000 mula sa calamity funds para sa mga biktima, upang ipamahagi ang tulong at mabawasan ang paghihirap ng evacuees.

Ang pondo ay ginamit na pambili ng food items sa Mindanao kung saan personal na ipinamahagi sa mga residente na nasa Iligan at karatig-lugar ng Marawi.

Dagdag pa niya na inatasan niya ang CSWDO chief na ipagpatuloy ang pagbalita nito mula sa Regional Director ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Region 12 upang matukoy ang prayoridad na kailangan ng evacuees, nang sa gayon ay iyon ang mga ibibigay nila kung kinakailangan.

“We will see if there is more need. We have been seeing on the different media and we are happy to note that there are foreign support coming in,” ani Domogan. LIZA T. AGOOT/PNA / ABN

ABOUT THE AUTHOR