|  | 

Metro Baguio

Banking system sa CAR, matatag – BSP

Nananatiling matatag ang banking system sa Cordillera noong 2016 na may double digit na pagtaas sa loan portfolio at deposits at tumataas na bilang ng banking offices at automated teller machines (ATMs).

Inihayag ito ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)-La Union Regional Branch Director Rogel Joseph Del Rosario sa ginawang pag-uulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng 2016 Economic Performance ng Cordillera Administrative Region (CAR) sa Venus Parkview Hotel nitong nakaraang linggo.

Iniulat ni Del Rosario na ang deposit liabilities ng mga bangko sa Cordillera ay umabot sa P96.42 bilyon, 15% na pagtaas kumpara sa P83.58 bilyon inflow noong 2015 habang loan portfolio ng mga bangko ay umabot sa P13.6 bilyon noong nakaraang taon, 11% expansion mula sa P12.25 bilyon sa nakaraang taon.

Sa pagtatapos ng 2016 ay mayroong 165 banking offices sa 28 munisipalidad at dalawang lungsod sa rehiyon. Binubuo ito ng 76 rural/cooperative banks, 73 universal at commercial banks at 16 thrift banks. Mayroon ding 255 ATMs sa naikalat sa 14 munisipalidad at mga lungsod ng Baguio at Tabuk sa Kalinga.

Sinabi rin ni Del Rosario na patuloy ang ginagawang pagpapalawak sa financial access points ng BSP sa ilalim ng national financial inclusion strategy.

Bilang bahagi ng BSP supervisory na siguruhin ang resiliency ng financial system ay patuloy ang BSP ng pagkamit ng pro-active regulatory reforms na layong palawigin ang access sa financial services at pagsulong ng competitiveness sa financial system, pagpapalakas sa corporate governance at risk management standards, pagpapasigla sa supervisory oversight ng non-bank financial institutions at pagsusulong sa accelerated development ng capital market.

Upang mapahusay ang serbisyo sa pagbabangko sa Cordillera ay sinabi ni Del Rosario na isang sangay ng BSP sa lungsod ng Baguio ang bubuksan sa madaling panahon. Makakatulong ito na pasiglahin ang lokal na ekonomiya, supply currency requirements, siguruhin ang clean notes at facilitate exchange of currency, magbigay ng learning hub sa economic at financial matters sa publiko.

Ang pagtatatag sa BSP-Baguio ay masisiguro ang delivery ng consumer protection at financial inclusion services sa mga komunidad, patibayin ang link sa main office ng BSP at magiging purchasing area ng ginto mula sa small-scale miners sa rehiyon, dagdag pa ni Del Rosario.

Iniulat din ng PSA sa parehong aktibidad at positibong pagtaas ng 2.1% sa ekonomiya ng Cordillera sa 2106 at isang mas malakas na economic performance sa bansa na may accelerated growth na 6.9% kumpara sa 6.1% economic growth noong 2015. ABN

ABOUT THE AUTHOR