|  | 

Headlines

Killer cop, sumuko na

LUNGSOD NG BAGUIO – Napag-alaman na kusang sumuko ang dalawa sa tatlong suspek diumano ay pumaslang kay Chief Inspector Benjamin Challoy na nakatalaga sa Philippine National Police Highway Patrol Group na nakabase sa Bontoc, Mountain Province noong nakaraang linggo.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga suspek ay mga miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa nasabing lalawigan. Sa ngayon ay hindi pa pinangangalanan ang mga suspek na sumuko sa kanilang superior at isusuko rin sa pulisya sa lalong madaling panahon.

Napag-alaman din na ang mga suspek ay pawang mga residente ng lalawigan. Nangangamba umano ang mga ito sa maaaring mangyari sa kanila dahil sila ay nasa ilalim ng sinasabing peace pact.

Sa unang report ng Bontoc police, ang biktima ay binaril sa harap ng kanyang tirahan noong nakaraang linggo habang ito ay pauwi sa kanilang bahay ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Sitio Eyeb, Poblacion sa bayan ng Bontoc.

Bago pa ang pamamaslang sinabi ni Chief Inspector Jimmy Macues, hepe ng Bontoc Police Station, na pauwi umano ang biktima nang masalubong ang mga suspek na pawang nakainom. Sinita umano ng biktima ang mga lasing na suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Matapos ang pagtatalo ay umalis na umano ang biktima ngunit sinundan pala ito ng mga suspek at pagdating sa malapit sa tirahan ng biktima ay pinagbabaril umano ito ng tatlong suspek at agad na tumakas ang mga ito.

#socialbuttonnav li{list-style:none;overflow:hidden;margin:1 auto;background:none;overflow:hidden;width:92px; height:25px; line-height:10px; margin-right:1px; padding: 20px 0px 0px 0px; float:left; text-align:center;}

ABOUT THE AUTHOR