|  | 

Metro Baguio

P8-M CSR projects, handog ng Aboitiz Power

Ginawang pormal ng Aboitiz Power sa pamamagitan ng Aboitiz Foundation ang kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) projects sa iba’t ibang hydropower partner communities sa Benguet, Mountain Province at Ilocos Sur sa isang memorandum of agreement na pinirmahan sa Venus Parkview Hotel noong Marso 31.

Kabilang sa 2017 CSR projects ng Aboitiz na may kabuuang halaga na P8,115,726 ang Luzon Hydro Corp. para sa kanilang partner sa Alilem, Ilocos Sur at Bakun, Benguet; Hedcor Inc. Benguet para sa kanilang partner communities sa La Trinidad, Sablan, Tuba, Itogon at ilang lugar sa Bakun, at Hedcor Sabangan para sa kanilang partner sa Sabangan, Mountain Province.

Para sa CSR projects ay may P4.647 milyon o 57 porsiyento ang para sa edukasyon, P2.47 milyon sa kalusugan at well-being, at ang natitira ay para sa environment, enterprise development (trainings) at iba pang special projects.

Inilatag ni Hedcor Inc. Asst. Vice President for Administrative Services Dan Faelnar sa naganap na MOA signing ang commitment ng Aboitiz at Hedcor para sa isang pangmatagalang partnership upang makamit ang sustainable development sa kanilang partner communities.

“We value and cherish long-time partnership, as it is a better way to advance business and communities. Thank you for accepting us as your partner of choice and let us continue to partner together for a better future,” ani Faelnar.

Maliban sa pagsulong ng CSR projects na sinimulan noong nakaraang taon ay inilatag din ni Faelnar na ang aktibidad ay magandang paraan upang makakalap at pakikipagpalitan ng mga impormasyon at kaisipan.

Noon pang Disyembre 2016, ang hydropower sa ilalim ng Hedcor group of companies ay ipinatupad na ang P40.7 milyon ng CSR projects para sa education sector, P10milyon sa health at wellness projects, P2.5milyon sa environment-related projects at P2.38milyon sa corporate donations at community enterprise development. ABN

#socialbuttonnav li{list-style:none;overflow:hidden;margin:1 auto;background:none;overflow:hidden;width:92px; height:25px; line-height:10px; margin-right:1px; padding: 20px 0px 0px 0px; float:left; text-align:center;}

ABOUT THE AUTHOR