Breaking News
 |  | 

Metro Baguio

3 BCC chefs kalahok sa chef wars sa Singapore

Magiging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping International Chef Wars sa Singapore ang tatlong chef ng Baguio Country Club (BCC) matapos na mangibabaw ang kakayahan ng mga ito sa pagluluto sa National Food Showdown ng Chef Wars sa SMX Convention Center, Bacolod noong July 20-21, 2017.

Inaasahang muling ipapamalas ng mga chef ng tanyag na 5 star hotel Baguio Country Club ang ipinakitang galing sa pagluluto na nagkamit ng pinakamalaking gantimpala at tropeo bilang ‘The Ultimate Chef Warriors’ para sa professional division na ang tema ay ‘Finding the Balance’.

Samantala, ipinagmalaking ipinakilala ni BCC General Manager Anthony De Leon ang kanyang mga participant, coach at ang executive chef sa media.

Ang mga kinatawan ng Pilipinas na pupunta sa Singapore ay pangungunahan ni Pedro L. Canlas, executive chef ng BCC, may 26 years na karanasan sa pagluluto mula pa sa cruise line at 8 years sa Middle East at ngayon ay 10 months pa lang sa BCC kung saan dito niya ipinakita ang todo-galing sa pagluluto. “Gusto ko mai-upgrade at tulungan ang maayos na food preparation na iangat yung level ng quality ng pagkain… and to build a better team, gusto ko ay open kami at nagkakaintindihan kami na may isang salita, isang layunin. Ang aim namin ay magtagumpay at ito ang nakakapagtaas ng morale namin sa kompetisyon sa Singapore. Ang mga inaasahan pa naming makaka-compete ay ang France at Japan,” ani Canlas.

Ang tatlong kalahok na isasalang sa chef wars ay sina Crispian Dave L. Pettoco, 23, Phobe O. Pocais, 22, at Jayson C. Cachero, 30, mga nagtapos sa University of Baguio at ang dalawang coach na sina Gemma Milagros B. Padsico at Arthur D. Nucaza Sr.

Nakasalalay sa kanila ang tagumpay ng Pilipinas na ang dala nila ay dedikasyon at commitment para sa kanilang teamwork.

Kailangan ang lubos na paghahanda mula sa appetizer, main course at dessert na gamit ang 70% egg at chocolate na kailangan sa presentation sa plate dahil maraming kalalabasan na maging dessert ito.

Ang Palitaw de Leche with Chocolate Sabayon na French dessert ay isa sa mga dessert na ibibida sa kompetisyon. ABN

ABOUT THE AUTHOR