|  |  | 

Opinion You and Me

2018 Year of the Earth Dog

Ang 2018 ay Year of the Dog at ito ay nag-uumpisa mula Pebrero 16, 2018 at tumatagal hanggang Pebrero 4, 2019. Sa Chinese Astrology, ang isang zodiac year ay hindi lang nauugnay sa mga hayop. Ito ay inuugnay din sa limang elemento.  Ang Earth, Fire Water, Gold o Wood.  Ang Year of the Earth Dog ay maswerte sa mga taong ipinanganak sa Earth, Metal at Fire at hindi magiging masuwerte sa mga taong ipinanganak sa ilalim ng taon ng Wood at Water.

Ayon sa isang sikat na Feng Shui Master na si Hanz Cua, ang maswerteng negosyo sa taong ito ay food o restaurant business.  Ang lalong maswerte sa ganitong negosyo ay mga ipinanganak sa Year of the boar, monkey, ox at tupa.  Kailangan din na ang lugar ng negosyo ay may maliwanag na ilaw at malinis na pintura. Maaari ding maglagay ng mga pang-display na prosperity pigs o monkeys dahil ito ay pinaniniwalaang naghihikayat ng mga mamimili at nang-aakit ng swerte. Ang online business ay patok din ngayong Year of the Earth Dog pero ayon na rin kay Cua, hindi maswerteng magbukas ng online business sa mga buwan ng Agosto at Nobyembre.  Maswerteng negosyo rin ang beauty business kung ito ay uumpisahan sa mga buwan ng Enero, Pebrero, Marso, Agosto at Oktubre.  At kailangang malinis at laging mabango ang lugar.  Ayon din sa kanya, ang maswerteng kulay sa beauty business ay lavender at pink.  At ang lucky colors ngayong taon ay blue, green at black.

Ayon naman kay Dr. Andy Tan, isa pang Feng Shui expert, sa bandang southeast dapat ilagay ang mga ihahandang prutas na bilog. Ang oranges o kiat-kiat daw ay maswerte at dapat na pinapagulong papasok ng bahay. Huwag maghanda ng rambutan at saging. Magbukas din ng lahat ng ilaw at buksan ang bentilador, na papasok ang hangin sa loob ng bahay para pumasok ang swerte. Ayon sa kanya, pang-akit din ng swerte ang paglalagay ng pulang sobre na may laman na limang pirasong 5 piso o 25 sentimo dahil kulay ginto ang mga ito. Ang paputok ay hindi rin nya ipinapayo dahil itinataboy ng ingay ang swerte. Mas dapat na magdasal ng taimtim upang maging matiwasay ang Bagong Taon.

Kung Hei Fat Choi!

ABOUT THE AUTHOR

<