|  | 

Metro Baguio

13 Centenarians tumanggap ng tig-100K mula DSWD-CAR

Nakapagluwal na ng kabuuang P1.3 milyong halaga ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Cordillera sa 13 centenarians mula sa mga probinsiya ng Abra, Apayao, Kalinga at Mountain Province bilang pagkilala at ayuda.

Ang nasabing ayuda ay kontribusyon ng DSWD sa implementasyon ng Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016, an ‘Act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians, and for Other Purposes.’

Sa 13, ay walong centenarians ang personal na tinanggap ang cash incentive samantalang tinanggap naman ng mga pamilya o kinatawan ng mga namatay ng centenarians ang kanilang insentibo. Ipinamamahagi ng DSWD ang insentibo ng ibang centenarians.

May 23 centenarians ang nag-qualify na tatanggap ng P100,000 na insentibo. Siyam mula sa Mountain Province, tig-aapat mula sa Apayao, Abra at Kalinga samantalang tig-iisa naman mula sa lungsod ng Baguio at Ifugao. Ang ibang na-qualify ay nagkulang sa kinakailangang requirements.

“One of the challenges that we encounter on the provision of the cash incentive to our centenarians is the lack of documents verifying their date of birth,” pahayag ni DSWD-CAR OIC-Regional Director Janet P. Armas.

Isinasaad sa Memorandum Circular No. 4, Series of 2017 ng DSWD na ang birth certificate o Philippine passport ng centenarian ay kailangang maipakita sa local social welfare and development officer, head ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) katuwang ang isang Civil Society Organization para sa berepikasyon ng petsa ng kapanganakan ng centenarian.

Sakaling wala ang nasabing mga dokumento ay maaaring tanggapin ang Senior Citizen’s identification card o kahit anong inisyu ng gobyerno ng Pilipinas na ID.

Samantala, maaaring tanggapin ang dalawa sa mga secondary documents sakaling wala ang nasabing mga primary ID, ito ang Marriage Certificate; Birth Certificate of children borne by/of the centenarian na inisyu ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng Local Civil Registrar; Affidavits executed ng at least dalawang disinterested persons kung saan at least 80 taong gulay na may personal knowledge ng aktual na edad ng centenarian o kapanganakan; Lumang school o employment record na nagpapakita ng date of birth ng centenarian; Baptismal and/ or Confirmation records ng centenarian certified ng parish church at ibang religious denomination; Medical o dental examination issued ng medical practitioners, o iba pang related documents na nagsasaad ng kapanganakan ng centenarian.

Sa karagdagang alituntunin, ang isang Fiipino centenarian na naninirahan man sa bansa o sa abroad na buhay nang naging epektibo ang batas noong Hulyo 15, 2016 subalit namatay bago ang aktuwal na implementasyon ng batas ay makakatanggap pa rin ng insentibo.

Tatanggapin ito ng legal na kinatawan o pinakamalapit na buhay na kaanak ng centenarian.

Para sa taong 2017 ay nakatanggap na ang DSWD-CAR ng mga dokumento ng may 79 centenarians, subalit ang mga dokumento ay isasailalim pa rin sa evaluation at verification. Inaasahang ma-release ang mga insentibo ng centenarians sa third quarter ng taong ito.

“We will do our best to fast track the release of the incentives because we recognize that time is of the essence. We hope that all our stakeholders, especially the family of our centenarians will be proactive in the process. We also hope that the incentive will be properly used for the benefit of the centenarians,” ani Armas.

Kung may katanungan, komento o karaingan kaugnay sa insentibo ay maaaring iparating sa local social welfare and development office, OSCA o sa DSWD-CAR https://www.facebook.com/dswdfocar/, focar@dswd.gov.ph o tumawag sa (074) 446-59-61 at hanapin si Rojhelea Claur. ABN

ABOUT THE AUTHOR