|  | 

Headlines

1 patay, 17 sugatan sa mga aksidente sa daan sa Cordillera

CAMP DANGWA, LA TRINIDAD – Pinapayuhan ng kapulisan ang mga motorist na mag-ingat sa pagmamaneho matapos ang ulat ng ilang serye ng mga aksidente sa daan sa iba’t ibang lugar sa Cordillera sa loob lamang ng tatlong araw.

Base sa pinagsamang ulat na ibinigay ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) noong Martes ay magkakahiwalay na aksidente sa daan ang naiulat sa mga probinsiya ng Ifugao, Abra, Benguet at Kalinga.

Nagresulta sa pagkamatay ng isang pasahero ang mga aksidenteng ito at pagkakasugat ng 17 iba pa kabilang na ang dalawang bata.

Kinilala ni PROCOR Regional Director Police Chief Superintendent Eduard Carranza ang nag-iisang patay na si Eddie Sawil, 60, may-asawa ng Ganattil, Balatoc, Pasil, Kalinga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng police ay nasa mini dump truck si Sawil na may lamang mga bato at graba. Nag-iisang pasahero si Sawil ng truck na minamaneho ni Eric Wanawan. Ayon pa rin sa ulat ay nagkaroon ng mechanical problem ang truck na nagresulta sa pagkawala ng control ng driver sa sasakyan at nahulog sa isang 50 metrong bangin.

Sinabi ni Carranza na nangyari ang aksidente sa Sitio Cadamayan, Pasil, Kalinga.

Samantala sa Benguet ay iniulat ni Tuba Police Chief PC Insp. James Acod na may 48 naitalang vehicular accidents sa tatlong pangunahing daan na papuntang Baguio – Marcos Highway, Kennon Road at Naguilian Road para sa buwan ng Enero.

Sinabi ni Acod na noong 2017 ay may kabuuang 247 vehicular accidents ang naitala sa mga nasabing pangunahing daan na nagresulta sa pagkamatay ng walong katao. P. AGATEP, PNA / ABN

ABOUT THE AUTHOR